Ang Buhay sa Mundo ng Wikang Pilipino
Sinabi ng Duwende sa Tarsier, "Kapag ginawa mong lahat ang utos ko sa iyo sa pamamagitan nito ay mapapatawad kita." Kailangan mong masahiin ang puno at kaagad ng Tarsier na minasahe ang puno. Pagkatapos niyang minasahe ang puno nagpatuloy na nagsalita ang Duwende dahil ang mga tao ay nagtatapon ng basura sa gubat kailangan mong kainin ang lahat na mga basura. Pinagmamasdan ng Duwende ang Tarsier habang kinakain niya ang basura. Naubos ng Tarsier ang basura dahil dito ay naging masaya ang Duwende. Ngunit mayroon pa akong ibang ipagagawa sa iyo. Ito ay huli kong utos sa iyo. Ano yun? tanong ng Tarsier. Mayroon akong ginto na nakabaon sa gubat. Natatakot akong kunin mag-isa sapagkat maraming masasamang tao sa gubat at kaya tayong dalawa ang kukuha ng aking ginto. Pumasok silang dalawa sa loob ng bahay ng Duwende. Ang bahay ng Duwende ay gawa sa matigas na lupa. Sa loob ay may dalawang kuwarto, isang kusina, isang banyo at salas. Ang unang kuwarto ay may lamesa dito nagsusulat ang duwende tungkol sa kung papaano natin lilinisin Ang ating kapaligiran. Ang kusina ay milinis at maganda. Ang bintana ay bilog at maraming halaman. Lumabas ang Duwende at ang tarsier para hanapin at kunin ang mga ginto ng Duwende. Nagsimulang lumakad ang Duwende at Tarsier patungo sa gubat. Nasaan nga pala ang direksyon ang tanong ni Tarsier sa Duwende. Malapit na tayo kapag nakita mo ang isang punong manggang punong puno ng prutas at doon nakabaon ang aking ginto. Hindi nagtagal ay nakita nila ang tinutukoy na puno. Nagsimula nilang hinukay ang lupang malapit sa punong mangga. Pagkaraan ng dalawang oras ay biglang silang sumigaw ginto ginto, sa wakas ay makukuha ko na ang aking ginto. Sapagkat nakuha ko na ang ginto ko ipagkakalooban kita ng tatlong kahilingan ang sabi ng Duwende sa Tarsier. Ang una kong kahilingan ay ibalik mo ako sa katauhan. Ang pangalawa ay gusto ko ng bahay para sa aking mga buong pamilya. Pangatlong kihilingan ay masaya at malusog na buhay. Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ang iyong lahat na kahilingan ay matutupad. Paalam at salamat saiyo Duwende ang sabi ng Tarsier.